Sa buwan ng Marso, magbibigay ang The Maya Kitchen ng mga kurso tulad ng basics of baking and cooking, gayundin ng mga specialty courses sa paggawa ng pies, quiche at cupcakes.
Isasagawa ang Basic Baking sa Marso 1 hanggang 4, at Marso 15 hanggang 18, Martes hanggang Biyernes, ika-9 ng umaga hanggang ika-2 ng hapon. Ituturo ang mga basic baking techniques na magagamit sa small at commercial scale production ng iba’t ibang recipe at paggawa ng mga quick breads, pies, cookies, cakes at iba pang bread varieties. Ang buong kurso ay nagkakahalaga ng P7,000.
Magkakaroon naman ng Basic Culinary sa Marso 8 hanggang 11 at Marso 29 hanggang Abril 1, Martes hanggang Biyernes, 9 ng umaga hanggang ika-3 ng hapon. Matututunan dito ang mga cooking fundamentals at international Standard Techniques para sa pagluluto ng mga soup, salad, pasta, main courses hanggang desserts para sa mga tahanan gayundin para sa mga Institutional Scale Kitchens. Nagkakalaga ng P8,000 ang basic culinary course kasama na ang mga workshops.
Cupcake baking and decorating with fondant toppers naman ang ibibigay sa Marso 12, Sabado, mula ika-9 ng umaga hanggang ika-1 ng hapon. Maging eksperto sa paggawa at pag-decorate ng Green Tea Cupcakes, Sugar-Free Chocolate Cupcakes, Basic Vanilla Cupcakes and Calamansi Cupcakes sa halagang P1,750.
Sino ba ang hindi mahilig sa pies? Matuto ng basic pie at quiche making sa pamamagitan ng hands-on at group workshop sa Marso 19, Sabado, ika-9 ng umaga hanggang ika-1 ng hapon. Matututunan ang mga recipe tulad ng Apple Walnut Crumble, Egg Pie, Vegetable Quiche at Meat Lovers Quiche sa halagang P1,499.
Para sa karagdagang impormasyon at iba pang mga course offerings, mag-log on sa www.themayakitchen.com, mag-e-mail sa contactus@themayakitchen.com o bumisita sa The Maya Kitchen Culinary Center tuwing Martes hanggang Sabado sa 8F Liberty Building, 835 A. Arnaiz Avenue (Pasay Road), Makati City, Maari ring tumawag sa 8921185 / 892-5011 local 108 at mobile No. +63929 679 6102.
Tumawag at magpareserba na ngayon!