Magiging mas masaya at makabuluhan ang bakasyon para sa mga bata at kabataan sa pamamagitan ng serye ng mga cooking at baking classes hatid ng The Maya Kitchen.
Ang Kid’s Magical Adventure ay magaganap sa Abril 5 hanggang 8 at Mayo 3 hanggang 6, Martes hanggang Biyernes, ika-9 ng umaga hanggang ika-1 ng hapon. Kabilang sa mga tema ay ang ‘Circus Manila’ kung saan matututunan ang mga pagkain at merienda na matatagpuan sa mga circus. Tampok rin ang inspirasyon galing sa pelikulang ‘Inside Out’ gayundin ang ‘Disneyland Adventure’ na mala-theme park rides at attractions ang tema. Ang class fee ay nagkakahalaga ng P6,000.
Angkop naman sa panlasa ng mga kabataan ang Young Foodie Hangout. Tuon ng ‘Instagrammables’ ang mga recipe at preparations na patok na i-post sa Instagram. Ituturo naman sa ‘One-Two-Three Kitchen’ ang mga chef basic knife skills, proper vegetable cuts, basic sauces, at basic kitchen terminology.
Isa pang tema sa Young Foodie Hangout ang “Eat In What You Eat Out” kung saan matututunan ang mga recipe ng mga sikat na fast food at restaurants upang magawa ang mga ito sa sarili ninyong mga tahanan. Makagagawa ka ng sarili mong bersyon ng sikat na fried chicken, buffalo wings, at cold desserts. Nakatakda ang mga klase sa Abril 12 hanggang 15 at Mayo 10 hanggang 13, Martes hanggang Biyernes mula ika-9 ng umaga hanggang ika-1 ng hapon. Ang class fee ay P7,000.
Maliban sa mga nabanggit ay mayroon pang mga klase sa buwan ng Abril. Ang Healthy Breads ay sa ika-2 ng Abril, Sabado, ika-9 ng umaga hanggang ika-1 ng hapon. Kasama dito ang hands-on at group workshop. Matututunan dito ang pag-bake ng Whole Wheat Sesame Bread, Kalabasa Loaf, Malunggay Loaf, Sourdough Bread, at Foccacia. Ang class fee ay P1,499.
Ang Basic Culinary ay magaganap sa Abril 19 hanggang 22, araw Martes hanggang Biyernes, ika-9 ng umaga hanggang ika-3 ng hapon. Ang kurso ay nagkakahalaga ng P8,000.
Samantala, Juicing and Healthy Wraps ay gaganapin sa Abril 23, Sabado, ika-9 ng umaga hanggang ika-12 ng tanghali. Magkakaroon ng demo class kasama ang basic juicing know-how at kung papaano magiging healthy wraps ang mga ordinaryong sandwiches. Kabilang sa mga recipe na ituturo ang Simple Starter Detox Drink, Sooper Dooper Detox Greens, Power Booster Juice, Vegetable Wrap in Avocado Caesar Dressing, Grilled Chicken and Veggie Wrapped in Tofu Dressing, at Healthy Vietnamese Wrap. Ang class fee para dito ay P750 lamang.
Ang paggawa ng Bars at Cookies naman ang matututunan sa April 23, Sabado, 9am-1pm sa pamamagitan ng hands-on at group workshop. Kasama dito ang paggawa ng Oatmeal Raisin Cookies, Snickerdoodles, Food for the Gods, Coconut Fantasy Bars, at Butterscotch Brownies. Ang class fee ay nagkakahalaga ng P1,499.
Ang Basic Baking naman ang magaganap sa Abril 26 hanggang 29, ika 9 ng umaga hanggang 2 ng hapon. Ang class fee naman para dito ay is P7,000.
Pag-aralan ang paggawa ng Jelly-Filled Donuts, Glazed Donuts, Donut Balls, Cream-Filled Donuts at Bicho-Bicho sa Donuts Class na gagawin sa Abril 30, Sabado, ika 9 ng umaga hanggang ika-1 ng hapon kasama na ang hands-on at group workshop. Ang class fee ay P1,199.
Para sa karagdagang impormasyon at iba pang course offerings mag-log-on sa www.themayakitchen.com, mag-email sa contactus@themayakitchen.com o bumisita sa mga araw ng Martes hanggang Sabado sa The Maya Kitchen Culinary Center, 8F Liberty Building, 835 A. Arnaiz Avenue (Pasay Road), Makati City o tumawag sa 8921185 / 892-5011 local 108 / Mobile No. +63929 679 6102. Tumawag at magpareserba na ngayon!