Ito ang huling pagkakataon para sa mga kabataan upang matutong magluto at mag-bake sa Young Foodie Hangout. Kasama dito ang mga ‘Instagrammable’ recipe na maaaring i-post sa social media tulad ng Instagram. Mayroon ring ‘One-Two-Three Kitchen’ para matutunan ang mga basic kitchen skills; samantalang matututunan naman sa ‘Eat In What You Eat Out” ang mga pagkaing kadalasan ino-order sa mga fast food chains at mga restaurants. Ang class schedule ay sa Mayo 10 -13, Biyernes hanggang Martes, ika-9 ng umaga hanggang ika-1 ng hapon, at may class fee na P7,000.
Matututunan naman ang iba’t ibang technique sa pag-steam, froth at foam ng gatas na hinahalo sa kape sa Coffee 101 sa Mayo 7, Sabado, ika-1 hanggang ika-5 ng hapon. Kasama rin dito ang iba’t ibang machine technique sa drink-making at mga freestyle at etching sa Coffee Latte Arts. Ang class fee ay nagkakahalaga ng P999.
Maging tulad ng isang professional barista at dumalo sa Coffee 102 na gaganapin naman sa Mayo 14, Sabado, ika-1 hanggang ika-5 ng hapon. Kabilang dito ang mga lectures tulad ng pagpili ng tamang kape, Coffee Latte Arts Part 2, Cold Coffee Concoctions, Equipment Maintenance at paggawa ng iyong sariling signature drink. Ang class fee ay nagkakahalaga rin ng P999.
Gaganapin ang Basic Culinary sa Mayo 17 hanggang 20, Martes hanggang Biyernes, ika-9 ng umaga hanggang ika-3 ng hapon. Matutuo ng mga cooking fundamentals at international standard techniques ng meal preparation tulad ng soup, salad, pasta, main courses, at desserts para sa mga tahanan at mga Institutional Scale Kitchens kasama ang workshop. Ang class fee ay P8,000.
Matuto ng Basic Baking sa Mayo 24 hanggang 27, Martes hanggang Huwebes, ika-9 ng umaga hanggang ika-2 ng hapon. Mapapag-aralan dito ang Basic Baking Techniques na magagamit sa mga small at commercial scale production ng mga recipe at gayundin ang mga formulation tulad ng quick breads, pies, cookies, cakes, at iba pang bread varieties. Ang class fee ay is P7,000.
Commercial breads naman ang mapapag-aralan sa Mayo 28, Sabado, mula ika-9 ng umaga hanggang ika-1 ng hapon. Sa pamamagitan ng hands-on lesson ay mapapag-aralan ang paggawa ng Kopi Roti Buns, Ensaymada, Cinnamon Rolls, at Oatmeal Bread. Ang class fee para dito ay P1,499.
Para sa karagdagang impormasyon at iba pang course offerings, mag-log in sa www.themayakitchen.com, mag-e-mail sa contactus@themayakitchen.com, o bumisita sa The Maya Kitchen Culinary Center sa mga araw ng Martes hanggang Sabado sa 8F Liberty Building, 835 A. Arnaiz Avenue (Pasay Road), Makati City. Maari ring tumawag sa 8921185 / 892-5011 local 108 o Mobile No. +63929 679 6102. Magpareserba ka na ng iyong slot ngayon!